Trillanes pinayuhan ang MEDIA na mag countdown sa tuwing missing in action ang Pangulo "Nasaan si Duterte?"
Ayon kay dating senador Antonio Trillanes, dapat daw ang media ay laging mag countdown sa tuwing missing in action si Pangulong Rodrigo Duterte.
Si Trillanes, na kilalang kritiko ni Duterte ay nagbigay ng mungkahi upang malaman ng publiko kung nasaan ang Pangulo araw-araw.
“Dapat merong daily countdown report ang media every day na walang official function si duterte,”ayon kay Trillanes sa isang tweet
“Like, ‘ika-limang araw na walang ginagawa si duterte sa kalagitnaan ng pandemya at lugmok na ekonomiya,'” ani Trillanes
Ayon sa mga naunang ulat, si Pangulong Duterte ay nagsasalitan ng uwi sa pagitan ng Maynila at Davao.
Samantala, narito naman ang ilang komento ng netizens sa naging pahayag na ito ni Trillanes:
“Hahahah like you know what to do how to fix this pandemic. Nakakatawa naman kayo. Ang gagaling nyong maghanap ng mali. Kahit walang mali nilalagyan ng mali. Kaya di aasenso ang pilipinas. Why can’t you think of something on how to solve this pandemic”
“The obsession of this lun*tic b*stard to Duterte is getting worse. Epekto ba yan ng pagkabasted niya sayo?”
“It’s unfair. Government employees are required to submit their individual worksheet accomplishment report with narrative documentation. Si piduts, petiks lng”
“Wala bang maximum number of absences bago masibak? Lahat naman ng trabaho, merong ganu diba? Dapat si Duterte ganun din. Pati yung imga senador daw na puro absent din sa senado.”
No comments: