Kiko Pangilinan may Patutsada sa Manila Bay White Sand Project ng Duterte Gov't "Nagtatapon lang ng Pera!"



Kung may mga kababayan tayo na natutuwa sa rehabilitation project ng pamahalaan sa Manila Bay kung saan nilalagyan ito ng white sand para ma-rehabilitate at mapaganda.

Iba naman ang reaksyon ng opposition senator Kiko Pangilinan sa ginagawang mabuting hakbang ng gobyerno. Para kay Kiko, pagsasayang lang daw ng pera ang nasabing proyekto.

"Hindi katanggap-tanggap na habang nagugutom ang mga kababayan natin, walang hanapbuhayang mga magulang, at walang kagamitan ang mga anak para sa online classes, ay nagtatapon lang tayo ng pera sa mga proyektong maaaring makasira pa sa kalikasan at sa ating kkalusugan,"boladas ni Kiko.

Dumipensa naman ang Duterte Administration sa mga bumabatikos sa pondong inilaan para sa white  sand project. Ayon sa tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na si Sec. Harry Roque, nailaan na ang pondo para sa proyekto noong wala pa ang covid-19 pandemic.

"This plan to put white sand in Manila Bay, it was part of the budget for 2020. This means it was approved in 2019. We could not foresee that there would be a COVID-19 [pandemic]," paliwanag ng kalihim.


No comments:

Powered by Blogger.