COMELEC Commissioner Guanzon sobrang nagalit sa Manila Bay White Sand Project ng Gobyerno "Pondo sa White Sand Project, Ipambili ng Bigas!"
Kung maaraming kababayan natin ang sumusuporta sa Manila Bay White Sand Project, iba naman ang pananaw ni COMELEC COmmissioner Rowena Guanzon sa mabuting hangarin ng pamahalaan.
Para kasi sa opisyal ng COMELEC, mas mainam daw na gastusin sa bigas ang pondong inilaan sa pagpapaganda sa Manila Bay.
"P390-m for dolomite could have spent for 195,000 sacks of rice. 390,000 families at half a sack each. The battle is against COVID not in Manila Bay," boladas ni Guanzon.
Magugunita na ipinaliwanag ng ng ilang opisyal gn Duterte Administration na hindi pwedeng gamitin sa ibang bagay ang pondo na inaprubahan na.
"This plan to put white sand in Manila Bay, it was part of the budget for 2020. This means it was approved in 2019. We could not foresee that there would be a COVID-19 [pandemic]. So alam niyo naman ang rule sa budget, kapag iyan po ay nasa line item, iyan lang po ang pwedeng paggamitan ng pondo," paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
"Siguro kung pera lang ito na puwede nating i-juggle from one place to another, gagawin po ng gobyerno. But hindi po maaari iyan. Bawal po iyon… Hindi ho 'yan bagong project. We cannot connect this with the pandemic," paglilinaw naman ni Department of Environment and Natural Resources Undersecretary Benny Antiporda.
"Bakit noong madumi ang Manila Bay wala ni isa ang nagmalasakit? Kahit na alam nating mas delikado sa kalusugan ang basura? Ngayong pinapaganda lahat nangingialam? Wow a! Just wow! 😡
Mag cocomment ako, kasi MMDA ang isa sa mga ahensya na araw araw naglilinis ng basura ng mga balahurang Pinoy at mapanamantalang establisyemento, 30-45 trucks ng basura lang naman ang nakukuha namin noong wala pang rehabilitation sa Manila Bay.
Saka pwede ba 2019 pa aprubado ang budget para diyan, huwag niyong ipilit na isinabay yan sa panahon ng pandemya.
Goodness!" banat naman ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson Celine Pialago.
No comments: